Pages

Monday, October 18, 2010

Isang subok lang... ^^

support_fil.jpg bob ong image by bebangerzenahngerz23

Haha siguro kayo ay nagtataka, bigla akong nag-tagalog... haha siguro nga'y na miss ko bigla ang mga araw na kaya ko mag-sulat ng tagalog. Pero, nung high school pa ako, ito karaniwan ang lenguaheng ginagamit ko sa pagsulat...

Ewan ko ba kung bakit bigla ako nag-Ingles nung college... xD

Nung highschool, ang mga kwento ko, Tagalog. Ang Diary ko Tagalog... baliktad naman ngayong college... Ingles na... ^^ siguro sinusubukan kong mag "level-up" o di kaya'y buhayin ulit ang mga araw nung bata pa ako...

Nung bata ako, ang unang lenguaheng natutunan ko ay Ingles dahil sosyal ang mama ko, haha sa totoo lang sa eskwelahan lang ako natututo mag-tagalog. Siguro nga'y tinuruan ko ang aking sarili.

"Bilingual" ang tawag sa akin.

dalawa ang alam kong lenguahe: Tagalog at Ingles. Kung kaya't dati-rati... napapaghalo ko and dalawang wika sa isang pangungusap, na labis kinagalit ng aking ina.

Ang sabi niya: Kapag magsasalita ako ng Ingles... dapat "straight" o kaya'y kapag Tagalog purong Tagalog lamang.

Haiz... Kaloka naman... nawindang na siguro ang utak ko dahil hindi talaga maiiwasan na maghalo talaga ang dalawang wika. Pero, syempre... dahil sa mahal ko ang aking ina... ay sinubukan ko talaga.... at eto ang nangyari.... CORNY tuloy ang tingin ko sa wikang CONYO.

Ingles sa bahay.

Tagalog sa school.

Yan ang buhay ko. Elementary at High School, napapa "WOW" ang mga kaklase ko sa akin dahil uma-ariba ako sa subject ng "English" na ako naman di ko naman maipaliwanag kung bakit magaling ako sa subject na iyon.

Nung namatay si mama noong pumasok ako sa kolehiyo, hindi na kami nag-Ingles sa bahay. Si papa, sa Tagalog kami kinakausap... ako naman, panay pa rin ako mag-Ingles kahit di na ako naiintindihan ng mga nakababata kong mga kapatid...

Haiz...

Ganun siguro talaga ang buhay. Sinusuway ko lang naman si papa hindi dahil sa REBELDE ako, kundi, gusto ko maramdaman na buhay pa si mama kung kaya't pinagpapatuloy ko pa ang mga "house rules" nya hangang ngayon. Para, kahit sa maliit kong paraan ay maipapadama ko na hindi siya tuluyang nawala.

eto siguro ung nagtulak sa akin mag-Ingles ngayong college... o hindi??

Haha kung ano man ang rason ko kung bakit... siguro ang nabanggit ko kanina ay isa sa mga possibleng dahilan... pero sa ngayon...

Kahit...

Isang subok lang...

gusto ko ulit magsulat sa wikang Tagalog ^^

abnkkbsknpl.jpg ABNKKBSKNPLAko?! image by ilurvejoejonas

1 comment: